Mga militanteng grupo sa Cebu, nag-rally sa kasagsagan ng ASEAN meetings sa Cebu City

128

Cebu City – Kahit sa mahigpit na seguridad ng kapolisan, umeksrna ang mga militanting grupo sa Cebu sa kanilang isinagawang rally malapit sa venue ng ASEAN Meeting sa Cebu City.

Naka-standby na sana ang crowd dispersal management team ng PNP pero, hindi namalayan ng kapulisan na nadestino sa labas ng Radisson Blu Hotel sa Cebu City ang grupo ng mga raliyista na nakapalit sa gilid ng hotel bitbit ang kanilang mga banner at placard na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa pag-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit at ASEAN meetings.

Ayon kay John Ruiz ng Bayan Muna Central Visayas na walang magandang naidulot ang paghost ng bansa sa Asean Summit kundi dagdag pahirap sa mga Pilipino dahil mas na-ingganyo ang gobyerno sa pangungutang, na taong bayan ang nagbabayad, at hindi naman nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.


Dahil hindi na napigilan ng kapolisan ang mga raliyesta,hinayaan nalang nila itong makapahayag ng kanilang saloobin sa loob ng labing limang minuto at agad naman nagsialisan matapos sa kanilang rally.

Facebook Comments