Mga militanteng grupo, tuloy sa pagprotesta sa Liwasang, Bonifacio

Hindi natinag nang pag-ulan kanina ang mga militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa lugsod ng Maynila hinggil sa isinasagawa nilang kilos protesta.

Ayon kay Kathy Yamzon ng Nation Network of Agrarian Reform Advocates, tuloy ang vigil nila ngayong gabi.

Aniya, magtutuloy-tuloy ang mga isinasagawang pagkilos sa Liwasang, Bonifacio hanggang sa maiproklama ang mga nanalong kandidato.


Giit nito, walang kredebilidad ang halalan dahil sa kaliwa’t kanang aberyang naranasan lalo na ang mga pumalpak na vote counting machines, corrupted na SD cards at ang inabot na syam-syam na pagpila ng mga botante para makaboto.

Paliwanag ni Yamzon magtutungo ulit sila sa COMELEC sa mga susunod na araw upang hingan ng paliwanag ang mga opisyal nito kaugnay nang kinalabasan ng eleksyon 2022.

Facebook Comments