Mga mining companies, business as usual pa rin

47

Manila, Philippines – Inamin ni Mines and Geosciences Bureau Asst. Director Danilo Uykieng na tuloy pa din ang operasyon ng mga minahan.

 

Ito ay kahit pa inisyuhan ni Environment Sec. Gina Lopez ng closure audit ang mga minahan pero tuloy pa rin ang operasyon dahil wala pang minahan ang aktwal na naipapasara.

 

Paliwanag dito ni dating MGB Director at Mining Audit Team Head Leo Jasareno,  ang closure order ng DENR ay subject to motion for reconsideration pa, ibig sabihin,  pwede pa itong iapila kay Lopez sa loob ng labing limang araw.

 

Kung walang MR sa loob ng 15 days,  mananatili ang closure order sa mining company.

 

Pero sinabi ni Jasareno na pwede ding iapila ito sa office of the president.  

 

Anuman ang maging desisyon ni Pangulong Duterte ay executory na ito pero hindi pa masasabing final dahil pwede pa ring kuwestyunin sa court of appeals.

 

No show naman si Environment Sec. Gina Lopez sa nasabing pagdinig.

Facebook Comments