Mga mishandled na karne, kinumpiska sa dalawang palengke sa QC

Manila, Philippines – Sinamsam ng Quezon City Veterinary Office ang aabot sa dalawang daang kilo ng mishandled frozen meat sa dalawang palengke sa lungsod.

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Office kasama ang mga miyembro ng SWAT ng Quezon City Police District ang Commonwealth Market at Novaliches Market.

Lumilitaw na hindi nakalagay sa freezer o chiller containers ang mga karne kung kaya kinumpiska ang mga ito.


Nangangamoy na din ang mga ito at iba na ang kulay ng karne.

Tinatayang nasa dalawampu hanggang dalawampu’t limang libong piso ang halaga ng mga nakumpiskang karne.

Dinala na sa Quezon City Hall ang mga nakumpiskang karne para i-dispose.

Facebook Comments