Mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara, muling nadagdagan

Umakyat na sa 110 ang mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara matapos manumpa bilang bagong miyembro nito sina Representatives Jhong Ceniza ng Davao de Oro 2nd District, at Gerald Galang ng ikalawang distrito ng Valenzuela.

Kamakailan lang ay nanumpa din bilang bagong kasapi ng Lakas-Christian Muslim Democrats sina Representative-elect Leandro Leviste, Baguio Rep. Mauricio Domogan, Davao Del Sur Rep. John Tracy Cagas, Representative-elect Edwin Crusado ng Cotabato at Rep. Reynaldo Salvacion ng Marinduque.

Nagpasalamat naman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa lalong paglakas ng pinamumunuan niyang Lakas-CMD na tiyak may malaking maitutulong sa mga adhikain ng isinusulong na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Diin naman ni House Deputy Speaker and Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez, ang pagtuloy na paglaki ng Lakas CMD ay lalong nagpapatibay sa pagpapatuloy ng liderato ni Speaker Romualdez sa 20th Congress.

Facebook Comments