Mga miyembro ng PSG, hindi maaaring pilitin kung ayaw magsalita kaugnay sa kontrobersiyal na bakuna

120

Iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na hindi maaaring pilitin kung ayaw talagang magsalita ng mga miyembro ng Presidential Security Group.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kontrobersiyal na pagpapabakuna ng ilang PSG members ng COVID-19 vaccine na hindi pa abrubado ng Food and Drug Administration.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Panelo na maliit na bagay lamang naman ito at sa halip ay dapat pang pasalamatan ang mga miyembro ng PSG dahil handa silang ibuwis ang buhay para protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag pa ni Panelo, walang nilabag ang PSG dahil hindi naman sila ang nag-manufacture at nagbenta ng mga nasabing bakuna.

Facebook Comments