Mga modules, hindi dapat magulang ang sumasagot – DepEd

1161

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na huwag sagutan ang work sheets ng mga estudyante.

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, dapat lamang gabayan ng mga magulang ang mga anak sa pagkatuto.

Malaki ang gagampanin ng mga magulang sa bagong paraan ng pag-aaral pero hindi ito nangangahulugang sila na ang aako sa mga gawain ng mga bata sa eskwela.

May sistema ang mga eskuwelahan para malaman kung naiintindihan ng mga estudyante ang aralin.

Nabatid na magpatutupad ang mga paaralan ng distance learning, kung saan matututo ang mga bata mula sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng modules, online classes, telebisyon at radyo.

Facebook Comments