MGA MOTORISTA, PINAALALAHANAN SA PAGTALIMA SA BATAS TRAPIKO SA DAGUPAN CITY

Muling iginiit ng awtoridad sa mga motorista lalo na sa mga kamote drivers ang nararapat lamang na pagsunod sa mga umiiral na batas trapiko upang maiwasan ang anumang insidente sa kakalsadahan.

Ayon sa Public Order and Safety Office (POSO) Deputy Chief Rexon De Vera, importante ang pokus sa nagmamaneho upang makita at maging alisto sa mga kaganapan sa lansangan.

Matatandaan na mayroong nahulog na isang sasakyan sa bahagi ng Rizal St. – Perez Blvd. Intersection sa ginagawang road project sa bahaging iyon kahit pa may nakalagay ng construction signage.

Mungkahi rin nito ang dapat na pag-iwas sa paggamit ng mga gadgets tulad ng selpon.

Ayon sa ilang motorista, hindi umano maikakaila ang dulot na abala ng mga road projects sa lungsod, ngunit giit naman ng awtoridad na kinakailangan ang nga ganitong proyekto upang mas mapabuti umano ang kalagayan ng siyudad.

Samantala, inaasahan na sa pagtatapos ng mga isinasagawang proyekto ay maiibsan na ang problemang pagbaha sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments