Mga naaresto dahil sa casino na may kaugnayan sa kidnapping, umabot na sa 132

Nadadagdan pa ang bilang ng mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kidnapping na may kinalaman sa mga pagkakautang sa casino.

Sa pinakahuling datos ng PNP-Anti Kidnapping Group, mula 2017 hanggang September 21, 2019 umabot na sa 132 mga suspek ang kanilang naaresto.

119 sa mga ito ay Chinese, 2 Malaysians, 4 Koreans at 7 Filipino.


Umaabot naman  sa 68 ang mga biktima ng kidnapping ang nasagip ng AKG sa kanilang mga operasyon.

57 sa mga nasagip ay mga Chinese, 4 na Malaysians, 3 Koreans, 1 Vietnamese, 1 Australian, 1 Singaporean at 1 US citizen.

Ayon kay  Police Lt. Col. Elmer Cereno, spokesperson ng AKG, na dahil sa dumaraming bilang ng casino related kidnapping ay mas pinaigting pa nila ang kanilang kampanya at pakikipag-ugnayan sa kanilang foreign counterparts.

Facebook Comments