MGA NABAKUNAHAN SA DAGUPAN CITY, MAKAKATANGGAP NG VACCINATION CARD

27

Makakatanggap ng Vaccination Card ang mga indibidwal na fully vaccinated na ng COVID-19 sa lungsod ng Dagupan ayon sa City Health Office.

Ayon kay Dalvie Casilang ang CHO Vaccination Team Leader, maari umano itong ipresenta sa mga paliparan, checkpoints at sa regular check up ng isang indibidwal.


Kalakip ng ID ang pangalan, address, kapanganakan, bakunang itinurok at iba pang impormasyon. Maari umanong ma-scan ang ID gamit ang QR code kung saan dadalhin ka nito sa vaccination website ng lungsod upang ma-verify ang naturang impormasyon.

Para sa mga nakatanggap ng kanilang first dose temporary vaccination card ang ibibigay ng lokal na pamahalaan.

Samantala, umabot naman na sa higit 11,000 na indibidwal kabilang ang health care workers at senior citizen ang nabigyan ng kanilang COVID-19 vaccine.

Facebook Comments