Mga nabakunahan sa Mandaluyong, sa Hunyo 24 na ang 2nd dose

Inanunsyo ng Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na gagawin ang pagturok ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine sa Hunyo 21, araw ng Huwebes.

Batay sa abiso ng lungsod, ito ay para sa mga indibiduwal na nabigyan ng unang dose ng nasabing brand noong Mayo 24, 25 at 26 sa SM Megamall Mega Vaccination Center.

Gaganapin sa kaparehong lugar ng bakunahan ang pagturok ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Paalala ng lungsod sa publiko na pumunta lamang sa tamang oras na nakasaad sa text message na kanilang natanggap mula sa MandaVax.

Kailangan din dalhin ang kanilang valid ID at Vaccination Card.

Para sa mga hindi nakapunta sa itinakdang petsa o araw ng kanilang iskedyul, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang MandaVax hotlines na makikita sa office Facebook account ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong.

Facebook Comments