Mga nabigyan ng ayuda, makabubuting isapubliko

56

Iminungkahi ni Senator Imee Marcos sa Local Government Units (LGU) na ayusing mabuti ang listahan bago ibigay ang ayuda para sa mga labis na apektado ng umiiral ngayong Enchanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan.

Giit ni Marcos, ilista ang lahat ng mabibigyan ng tulong at mainam din na isapubliko sa mga Facebook page ng LGUs ang kanilang mga pangalan.


Paliwanag ni Marcos, makakatulong ito para mahigpit na ma-monitor ng mga LGU ang lahat ng nabigyan na ng ayuda sa kanilang nasasakupan.

Binanggit din ni Marcos na kung kaya ng budget ng LGU na dagdagan ang bigay ng national government ay baka pwede sagutin na nila ang ibang kulang para mas marami ang matulungan.

Facebook Comments