Mga nag-o-online class, mas makakatipid na dahil sa natanggap na libreng prepaid home Wi-Fi

44

Natanggap na ng apat na winners mula sa week 6, 7, 8 at 9 raffle draws ng ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo ang kanilang mga premyo.

Dinala ito mismo sa kani-kanilang mga bahay ng mga anchor ng LBMS o Laughter is the Best Magazine Show na isa sa mga programa ng DZXL 558 na nagbibigay ng saya tuwing Sabado.


Unang pinuntahan ng LBMS team sina Ronnie Mendoza at Gina Angustia na parehong taga-Navotas at binigyan ng Radyo Trabaho bag na naglalaman ng prepaid home Wi-Fi at Radyo Trabaho souvenirs.

Sunod namang pinuntahan ng team si Arnel Dinio sa Quezon City.

Ayon kay Dinio, malaki ang maitutulong ng libreng prepaid home Wi-Fi sa pag-o-online class ng kaniyang anak dahil hindi na nila kailangang maki-connect pa sa Wi-Fi ng kapitbahay.

Malaki rin aniya ang matitipid ng estudyanteng si Juliana Palmario ng Valenzuela City dahil sa natanggap niyang libreng prepaid home Wi-Fi.




Sa ngayon, 14 na mga tagapakinig na ang maswerteng nakatanggap ng libreng prepaid home Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho.

Sa mga hindi pa nakakasali, may tsansa pa kayo dahil extended hanggang Disyembre ang ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo.

Tumutok lang lagi sa mga programa ng DZXL 558 at bisitahin ang RMN DZXL 558 Manila Facebook page para sa buong detalye para makasali.

Facebook Comments