Mga nagawa ng Marcos administration sa nakalipas na isang taon at mga gagawin pa sa mga susunod na taon, magiging laman ng ikalawang SONA ni PBBM

Template ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakapaloob kasi sa kaniyang ikalawang SONA sa susunod na buwan ang naging accomplishment ng kaniyang liderato sa nakalipas na isang taon at mga dapat pang tapusin para sa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan sa bansa.

Ayon sa pangulo, ilalahad niya sa mga Pilipino kung ano ang kasalukuyang estado ng bayan matapos ang kaniyang unang SONA.


Maikukumpara ito ayon sa pangulo kung may nangyari ba sa mga inihayag niya sa kaniyang unang SONA.

Tiwala ang presidente na may maipapakita siyang nagawa para sa mga Pilipino na lalamanin na kaniyang pag-uulat sa bayan sa darating na July 24.

Facebook Comments