Mga nagbebenta ng bakuna at slots, may mabigat na parusang naghihintay – DOJ

23

May naghihintay na mabigat na parusa sa sinumang maaaresto dahil sa pagbebenta ng COVID-19 vaccines o vaccination slots.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga mapapatunayang gumagawa ng ganitong aktibidad ay criminally liable sa ilalim ng Food and Drug Administration (FDA) Law.


Dagdag ng kalihim na matindi ang mga penalties sa ilalim ng FDA Law.

Punto ni Guevarra na walang COVID-19 vaccines ang nabigyan ng permiso para sa commercial distribution.

Pero aminado si Guevarra na ang mga nagpabayad sa mga bakuna o vaccine slots ay makakaligtas dahil walang parusa sa mga boluntaryong pumayag.

Tingin din ni Guevarra na may mga taong napilitan lamang magpabakuna pero mas natatakot sa posibleng maging epekto ng bakuna sa kanilang kalusugan.



Facebook Comments