Mga nagbebenta ng mga bakuna laban sa COVID-19, tinutugis na ng Parañaque City government

26

Hinikayat ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mga residente na huwag mag-atubiling isumbong ang sinumang indibidwal na magtatangkang ipagbili ang COVID-19 vaccines.

Ayon kay Mayor Olivarez, nakatanggap sila ng ulat na may mga nagbebenta ng bakuna o nag-aalok ng kanilang slots sa vaccination program kapalit ng pera.


Paliwanag ng alkalde libre aniyang itinuturok ang mga bakuna sa eligible residents sa lungsod.

Tiniyak naman ni Olivarez na mananagot sa batas ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments