
Hinihikayat ng Public Employment Service Office ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang publiko sa gagawin nilang mega job fair sa Biyernes, March 7, 2025.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month kung saan nasa 5,000 bakanteng trabaho ang iniaalok.
Gaganapin ito sa Upper Ground Floor, Event Center ng isang mall sa San Lazaro mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang mga interesadong naghahanap ng trabaho ay pinapayuhan na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 o higit na kopya ng resume at sariling ballpen.
Ngayon araw naman ay nag-aalok ang PESO Manila ng 2,000 job vacancies para sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.
Ikinakasa ang PESO Job Fair sa Kalinga sa Maynila sa Oroquieta Road kanto Doroteo Jose Street sa Sta. Cruz kung saan nagsimula ito ng alas-7:00 ng umaga na magtatagal ng alas-12:00 ng tanghali.