Mga naghain ng SOCE sa Comelec na tumakbo sa national position, dumarami na

Umaabot na sa 25 mula sa 66 na tumakbo sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong umaga.

Sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 64 party-list group mula sa 155 ang naghain ng kanilang SOCE.

Ayon sa Comelec marami pa rin ang hindi nakapagpapasa ng SOCE na tumakbo sa national position sa 2025 midterm elections.

Nasa 10,454 mula sa 41,215 na tumakbo sa local position ang nagpasa na ng SOCE kung saan inaasahan na mas marami ang magpapasa nito ngayong araw sa mga tanggapan ng Comelec lalo na’t hindi na ito papalawigin pa.

Muling babala ng Comelec, ang hindi makapaghahain ng SOCE ay maaaring magbayad ng multa mula ₱1,000 hanggang ₱60,000 at maaari pang mapatawan ng perpetual disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments