Mga nagkalat ng masamang balita ukol sa kalusugan ng Pangulo, pinagsabihan ng isang senador

3955

Manila, Philippines – Pinagsabihan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang mga nagkakalat ng masamang balita ukol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, dapat nang magpahinga ang mga nagpapalutang ng impormasyon na namatay na ang Pangulo.


Ipinaalala pa ni Lacson sa mga ito ang kasabihan na ang tao na napapabalitang namatay na ay lalong humahaba ang buhay.

Ginawa ni Lacson ang pahayag makaraang kumalat kahapon ang balita na isinugod umano si Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa cardiac arrest.

Facebook Comments

From Advertisers