Mga nagmaliit sa supplemental impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, binuweltahan ni Magadalo Rep. Gary Alejano

41

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Magadalo Party-List Representative
Gary Alejano ang pahayag Malakanyang na walang kwenta ang inihain nitong
supplemental impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alejano – ang naturang complaint ay seryosong bagay at legal na
proseso para panagutin ang Pangulo sa paglabag sa Saligang Batas at
paglinlang sa taumbayan.

Hinamon din ng mambabatas ang mga tagapagtanggol ni Pangulong Duterte na
harapin ang tunay na isyu at huwag gumawa ng kuwento para mailihis ang
atensyon ng publiko.

Una nang sinabi ni Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na
walang saysay at pakulo lamang ang paghahain ng reklamong impeachment laban
sa Pangulo.

Facebook Comments