Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, mataas pa rin

60

Nadagdagan pa ng mahigit dalawang-daan (200) ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Umabot na sa 2,175 ang COVID-19 positive sa lungsod mula sa huling datos na 1,974.


Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office (CHO), nasa 2,038 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 1,888 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), nasa 807 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nasa 900 na ang nakarekober habang nasa 181 ang nasawi.

Facebook Comments