Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, umakyat na sa 1,910

Tumaas pa ang kaso ng mga positibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Umabot na sa 1,910 ang kaso ng positibo sa COVID-19 sa lungsod.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office, nasa 1,727 na ang kumpirmadong kaso habang 1,544 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.


Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), bumaba na sa 783 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lugar at nadagdagan ng 18 ang nakarekober.

Sa kabuuan, 596 na ang gumaling at dalawa naman ang naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay.

Sa ngayon, nasa 165 na ang nasawi.

Facebook Comments