Mga nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa

209

Nadagdagan pa ng sampu ang naitalang kaso ng COVID-19 variant na unang na-detect sa India.

Dahil dito, umakyat na sa 12 ang kabuuang kaso ng B.1.617 variant sa Pilipinas kung saan 11 dito ang nagmula sa mga Pilipinong sakay ng MV Athens Bridge.


Habang ang isa ay tripulanteng nagmula naman sa Belgium ayon sa Department of Health.

Sa ngayon, 4 sa mga ito ang nagpapagaling pa sa ospital habang ang 5 pang crew ng barko ay nasa isolation facility.

Matatandaang dumaong sa Pilipinas ang MV Athens Bridge noong nakaraang linggo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 12 mula sa 21 na sakay nito.

Facebook Comments