Mga nagpositibong empleyado ng MRT-3 sa COVID-19, umabot na sa 203

28

Pumalo na sa 203 ang bilang ng mga empleyado ng Metro Rail Transit Line 3 na nagpositibo sa COVID-19.

Mula sa naturang bilang, 183 ay nakatalaga sa MRT depot at labinlima (15) naman ay mga station personnel.


Kabilang sa nagpositibo ay tatlong (3) train drivers at dalawang OCC personnel, isang nurse, 14 na ticket sellers, 7 sa North Ave, 3 sa Cubao, 2 sa GMA Kamuning, isa sa Quezon Avenue at isang reserve status.

Kahapon, July 8, 2020, ay natapos na ang swab testing ng lahat ng mga empleyado ng MRT-3.

Facebook Comments