Mga nagsagawa ng street boxing sa Maynila, sinampahan na ng kaso ng PNP

56

Nasampahan na ng kaso ng Manila Police District (MPD) ang mga promotor ng isang street boxing event sa Manila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, isang barangay official at dalawang indibidwal ang sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa mga health protocols na pinaiiral ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Maliban sa health violations, kinasuhan din ang mga suspek ng ilegal gambling at game fixing.

Ipinag-utos din ni Eleazar sa MPD na hanapin ang iba pang nakilahok sa nasabing aktibidad para makasuhan.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Eleazar na mismong opisyal ng barangay na promotor ng aktibidad.

Facebook Comments