Mga nagtitinda ng karne na sumusunod sa MSRP, tumaas na sa 40%

Umakyat na sa 40% ang mga nagtitinda ng karne ng baboy na sumusunod sa itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) ng pamahalaan, mula sa dating 30%.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, welcome sa Palasyo ang pagtaas ng retail compliance at malaking bagay ito sa pamahalaan.

Kung matatandaan kasi aniya, mismong si Agriculture Secretary Tiu Laurel ang nakikipag-usap sa mga supplier ng karne ng baboy, upang maibaba ang presyo nito sa merkado.

Dagdag pa ni Castro, iba’t ibang hakbang ang ginagawa ng pamahalaan para sa mapanatiling matatag ang presyo at supply ng karne ng baboy sa bansa.

Halimbawa rito ang pagbabakuna sa mga baboy kontra African Swine Fever (ASF), at ang pagsilip sa tatlong dekada nang panuntunan kaugnay sa Minimum Access Volume (MAV) para sa pork imports, upang masiguro na angkop pa rin ito sa kasalukuyang panahon.

Facebook Comments