
Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 1,183 indibidwal na lumabag sa umiiral sa COMELEC gun ban.
Ayon sa PNP, ang datos ay hanggang nitong Feb. 23, 2025.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, karamihan sa nahuli ay mga sibilyan, mayroon ding mga kawani ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), government officials at foreign nationals.
Ang mga ito ay nadakip mula sa mga ikinasang checkpoint, police operations, anti-illegal drug operations at iba pa.
Samantala, umaabot naman sa 1,177 samu’t saring mga armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Naitala rin ang 1 validated election related incident sa Western Visayas habang mayroon ding 2 suspected election related incidents at 15 non-election related incidents.
Facebook Comments