Mga naka-admit sa medical center na COVID-19 positive, karamihan ay hindi bakunado

29

Inihayag ng pamunuan ng Mandaluyong City Medical Center o MCMC na meron ito ngayon naka-confine na 24 na COVID-19 positive.

Kung saan 14 dito ay hindi bakunado laban sa COVID-19.


Habang siyam ay fully vaccinated at isa naman ang nabigyan na ng first dose.

Pito ang naka-admit ngayon sa Intensive Care Unit o ICU kung saan tatlo ay fully vaccinated at apat ang wala pang bakuna.

Dalawa rin sa hindi bakunado ay nilagyan na oxygen.

Samantala, ang lungsod ng Mandaluyong ay meron ng 25,387 bilang na kumpirmadong kaso ng COVID-19.



Mula sa nasabing bilang, 24,257 nito ay bilang ng recoveries, 535 ang nasawi, at 595 naman ang aktibong kaso.

Facebook Comments