Mga naka duty na security guard ng atakihin ang Resorts World Manila, sinibak na

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Philippine National Police Supervisory Office on Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang pagsibak sa mga security guard na naka duty nang atakehin ang Resorts World Manila.

Ito’y matapos matuklasan ang maraming kapalpakan sa kanilang operasyon.

Batay sa kautusan na pinirmahan ni PNP Social Chief Supt. Jose Mario Espino, partikular na sinibak nito ang mga gwardiya ng NC Lanting Security Specialist Inc. sa entrance at exit ng maxim hotel at newport mall kung saan nakapasok ang lone gunman na si Jessie Carlos.


Epektibo ang kautusan hanggang sa bawiin itong muli ng PNP-SOSIA.

Una nang lumabas sa imbestigasyon ng PNP-SOSIA ang hindi pagsunod ng security officials ng Resorts World sa mga inilatag na polisiya ng PNP at PAGCOR.
DZXL558

Facebook Comments