Mga nakapilang benepisyaro ng ayuda sa labas ng city hall ng San Jose del Monte, Bulacan, inararo ng isang truck; 1 patay, habang 2 kritikal

614

Isa ang patay habang dalawa ang kritikal matapos araruhin ng isang truck ang ilang katao sa harap ng city hall ng San Jose del Monte, Bulacan kaninang alas 7:40 ng umaga.

Nabatid na inatake sa puso ang driver ng truck na si Herminio Gerona Avendano, 57-anyos at agad na namatay dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan.


Dumire-diretso ang truck sa harap ng city hall at sinagasaan ang mga nakapilang residente.

Bukod sa dalawang kritikal, sugatan din ang tatlong iba pa.

Nabatid na kumukuha ang mga residente ng isang libong pisong ayuda para sa mga apektado noong Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region Plus bubble.

Facebook Comments