Mga nakumpiskang iligal na paputok, sinunog sa QCPD

25

Manila, Philippines – Pinangunahan ni District Director, PCSupt Joselito Esquivel Jr. ang pagsira kanina ng libo-libong piraso ng mga nakumpiskang iligal na mga paputok sa compound ng kampo caringal.

Inilagay sa may limang talampakang lalim na hukay ang iba’t ibang uri ng paputok, binuhusan ng gaas saka sinindihan.

Ang mga paputok ay resulta ng mga pagkumpiska ng mga illegal firecrackers na ibinibenta ng mga pasaway na negosyante sa iba’t ibang pamilihan at mga kalsada.

Kasama sa mga sinirang mga paputok ang mga malalaking mga trianggulo, super lolo, mother rockets, OG, pla-pla, mga walang label na paputok, kwiton, atomic bomb, piccolo, baby dynamite, watusi, higanteng sinturon ni hudas, super bawang, at whistle bomb.

Nagpasya ang QCPD na ipunin na lamang ang mga pulbura at sindihan kaysa sa basain ito dahil sa may panganib na sumabog pa rin ang mga pulbura kahit na basa.

Nanawagan rin naman ang QCPD sa publiko na linisin agad ang kanilang paligid upang mailayo sa disgrasya ang mga kabataan na magta­tangkang mamulot ng mga hindi sumabog na paputok.

Facebook Comments