Mga namamasyal na delegado sa bansa, tinututukan na rin ng PNP

36

Manila, Philippines – Maging ang mga delegado ng 31st ASEAN Summit na namamasyal na ngayong araw ay tinututukan na rin ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde bawat delegado ay may itinalaga silang security package para matiyak na ligtas ang mga ito.

Karamihan aniya sa mga delegado ay namasyal at namili sa Greenhills San juan.

Habang kahapon ay may pumunta rin na isang ASEAN leader sa International Rice Research institute sa lalawigan ng Laguna.

Ngayong araw at bukas ay may mga delegado mamasyal sa Southern Luzon.

Tiwala naman si Albayalde na mabibigyan nila ng seguridad ang lahat ng delegado at ASEAN leader na mamasyal kahit saang lugar sa bansa.

Nanatili naman ang panawagan ni Albayalde sa publiko na manatiling mapagmatyag at alerto sa paligid upang hindi makalusot ang mga nagpapaplanong manggulo.

Facebook Comments