Mga namamatay na baboy, dapat ipagbigay alam ng mga LGU sa Dept. of Agriculture

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga Lokal na Pamahalaan kaugnay sa mga ulat na may mga namamatay na baboy sa kanilang lugar.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, mas mainam na ipaalam muna sa ahensya ang resulta ng mga naging pagsusuri sa mga namatay na baboy

Sinabi naman ni Rosendo So, Presidente ng Samahang Industriya Ng Agrikultura (SINAG), maliit pa lamang ng porsyento ng Hog Industry ang apektado ng African Swine Fever.


Pero nangangamba sila na posibleng maapektuhan ang mga magsasaka kapag lumala ang ASF.

Dahil dito, pinalawak pa ng DA ang Quarantine Operation upang masugpo ang African Swine Fever na nakaapekto sa piggery industry.

Facebook Comments