Mga namamatay sa giyera sa Marawi. halos limang daan na

304

Marawi City – Umakyat na sa halos limang daang katao ang namatay dahil sa nagpapatuloy na gyera sa Marawi City.

Sa pinakahuling ulat ni 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera.

Sinabi nitong walumput dalawa (82) na ang killed in action sa panig ng tropa ng pamahalaan.


Umakyat na rin sa tatlong daan at tatlumput pito (337) ang napatay sa panig mga kalaban o itong maute ISIS terror group.

Habang tatlumput siyam (39) na sibilyan na ang naitalang nasawi sa gulo sa lungsod.

Sinabi pa ni Herrera na sa ngayon ay nagpapatuloy pa combat operation ng militar laban sa mga kalabang terorista.



At mas naging puspusan aniya ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Airforce at mga tao sa ground sa Marawi.

Resulta aniya nito ay unti-unti nang napapasok ng militar ang mga pwesto ng mga kalaban.


Facebook Comments