Mga namataang air assets ng PAF sa Maynila, bahagi lang ng kanilang pag-eensayo para sa nalalapit na Independence Day

Pinayapa ng Philippine Air Force (FAP) ang publiko.

Ito’y matapos mamataan kahapon ang ilang air assets ng Air Force sa iba’t ibang bahagi ng Maynila partikular sa Luneta Park, Manila City Hall at sa Roxas Blvd.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Ma. Consuelo Castillo, ang mga air assets na kanilang pinalipad ay bahagi lamang ng “flyby exercise” para sa nalalapit na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo a-12 o sa Lunes.


Aniya, isa itong paghahanda para sa gagawing mga programa na katatampukan ng PAF.

Kahapon, agaw atensyon sa mga residente at mga namamasyal sa Maynila ang iba’t ibang air assets ng Air Force kasama na rito ang mga FA-50 jet at Black Hawk helicopter.

Facebook Comments