Mga nanalo ngayong Eleksyon 2025, hinimok ng DepEd na gawing prayoridad ang sektor ng edukasyon

Humiling ang Department of Education (DepEd) sa mga nanalong kandidato ngayong eleksyon 2025 na tutukan ang sektor ng edukasyon.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, huwag sanang kalimutan ng mga nahalal na gawing prayoridad ang pag-aaral at siguruhing maganda ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ani Angara, nawa’y magbigay pag-asa ang mga lider ng bansa sa pagpapahusay ng edukasyon at pagtataguyod ng budget para sa maayos na silid-aralan at mga kagamitan ng mga mag-aaral.

Una nang nagpasalamat ang DepEd sa lahat ng mga guro na tumulong at nagsilbing taga-bantay sa naganap na eleksyon 2025 at sa mga Pilipinong bomoto ngayong halalan.

Sa datos ng Commision on Elections (COMELEC) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nasa 80% sa 68 million voters sa buong bansa ang nakaboto nitong halalan.

Facebook Comments