Mga nananadyang nagpapakalat ng COVID-19, pwedeng kasuhan ng murder ayon kay Pangulong Duterte

98

Mahaharap sa reklamong murder ang sinumang sadyang nagpapakalat ng COVID-19 at magreresulta ng kamatayan.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring mangyari ito kapag sadyang nagkasakit ang isang tao dahil sa kapabayaan ng iba.


Sang-ayon si Pangulong Duterte sa pananaw ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa posibilidad na paghahain ng kasong murder laban sa isang COVID-19 patient na sadyang nagpapakalat ng sakit.

Pero tingin ni Pangulong Duterte, ang pagsasampa ng reckless imprudence ang mas akmang reklamong pwedeng ihain laban sa mga nananadyang magpakalat ng COVID-19.

Nagbabala rin si Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan na i-‘calibrate’ ang mga ilang patakaran sakaling patuloy na sumusuway ang mga tao sa quarantine protocols.

Facebook Comments