Mga napatay, naaresto at sumukong NPA – umabot na sa mahigit 100 matapos bawiin ng Pangulo ang unilateral ceasefire

60

Manila, Philippines – Umabot na sa isang daan at sampung miyembro ng CPP-NPA members ang na-neutralized ng militar simula nang bawiin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire laban sa mga rebelde noong Pebrero.

 

Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, sa bilang na yan – 22 ang napatay, 15 ang naaresto habang 73 ang napasuko.

 

Naka-recover na rin aniya sila ng pitumpung mga armas mula sa mga rebelde.

 

Ayon kay Año, sinasadya nilang i-pressure ang mga komunista sa pamamgitan ng kanilang mga pag-atake para bumalik ang mga ito sa usapang pangkapayapaan at mapagtatanto na wala silang patutungahn sa armadong pakikibaka.

 

Sinabi pa ni Año na kahit ikinakasa nang muli ang nakanselang peace talks, hindi pa rin sila titigil sa opensiba laban sa NPA hanggang hindi nagdedeklara ng tigil putukan si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga rebelde.

Facebook Comments