
Nananawagan si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel sa Commission On Elections (Comelec) na makipagtulungan sa mga law enforcement agencies para tugusin at masampolan ang mga nasa likod ng troll farms at pagkakalat ng fake news at disinformation.
Sinabi ito ni Manuel kasunod ng report ng Reuters na halos one-third ng mga social media account na nagpo-post tungkol sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ay peke umano.
Kasabay nito ay nanawagan naman si Manuel sa publiko na suriing mabuti ang mga politiko at mga public officials.
Payo ni Manuel, huwag ituring na diyos ang mga politiko at huwag basta sang-ayunan o tanggapin ang kanilang mga ipinapahayag.
Facebook Comments