
Agad na nabigyan ng psychosocial intervention ang walong mga indibidwal na na-rescue ng National Bureau of Investigation o NBI at Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 3-Central Luzon sa isinagawang anti-human trafficking entrapment operations sa isang bar sa East Dirita, San Antonio, Zambales.
Ayon sa DSWD, ang tatlong minor victim-survivors ay nabigyan na ng psychosocial intervention makaraang masagip ng mga awtoridad.
Habang ang natitirang limang na-rescue ay naibalik na sa kanilang pamilya at naasistihan na rin ng DSWD sa pamamagitan ng DSWD recovery and reintegration program for trafficked persons.
Matatandaan na nasagip ng mga awtoridad ang mga biktima ng human trafficking sa pamamagitan ng anti-human trafficking entrapment operations sa East Dirita, San Antonio, Zambales.