Mga nasawi sa cholera outbreak sa Yemen, umabot na sa 2,200

Yemen – Umabot na sa dalawang libo at dalawang daan ang patay sa cholera outbreak sa Yemen.

Batay sa World Health Organization – nasa animnaraan labing dalawang libo (612,000) ang kumpirmadong kaso ng cholera habang nasa pitundaan pitumpu’t pitong libo (777,000) ang hinihinalang tinamaan ng naturang sakit sa lob ng isang taon.

Ang nagpapatuloy na civil war ang dahilan ng pagkalat ng cholera lalo’t nawasak sa mga pambobomba at bakbakan ang mga pangunahing water facility ng bansa.


Facebook Comments