Mga nasawi sa Pasig City dahil sa COVID-19, nadagdagan pa ng 4

52

Umabot na ng pito ang naitalang bilang ng nasawi sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Pasig.

Batay sa tala ng Pasig City Health Office o CHO, noong March 26, Huwebes, May tatlong pasyete ng COVID-19 ang naitalang nasawi, pero kahapon ay nadagdagan ito ng apat na pasyente na positibo sa virus.


Mula sa March 26 hanggang 30, walo ang naidagdag sa listahan ng CHO ng nasabing lungsod na nag positibo sa COVID-19, kung saan pumalo na ito sa 41.

Sa kaparehang araw, 8 na ang bilang ng nakarekober mula sa sakit ng dahil sa virus.

Nabawasan naman ang bilang ng Persons Under Monitoring o PUM, kung saan nasa 82 na lang ito mula sa 94.

Subalit tumaas naman ang bilang ng Persons Under Investigation o PUI mula 125 noong huwebes, ngayon ay nasa 154 na ito.

Facebook Comments