Mga nasawing biktima sa Resorts World Manila attack, pinagnakawan din ayon sa lumabas na imbestigasyon

Manila, Philippines – Lumabas ngayon sa imbestigasyon ng Kamara na pinagnakawan din ang mga nasawing biktima sa Resorts World Manila attack.

Isa na nga dito si Elizabeth Gonzales, ang asawa ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales.

Sa ikatlo at huling pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, Committee on Public Order and Safety at Committee on Tourism – sinabi ni Surigao Del Sur Johnny Pimentel na kasama sa mga nawawalang gamit ni Mrs. Gonzales ay ang ATM nito, mga alahas at mamahaling relo.


Nabatid na tatlong araw matapos ang Resorts World Manila attack, may nakapag-withdraw pa sa ATM ni Mrs. Gonzales.

Hindi naman masabi ng pamunuan ng nasabing hotel casino kung may iba pang mga parukyanong biktima ng pagnanakaw.

Kaugnay nito, iginiit ni Pimentel na magkaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa pangyayari.

Facebook Comments