Mga nasawing sundalo sa bumagsak na helicopter sa Tanay, Rizal – kinilala ng Philippine Air Force

155

Manila, Philippines – Kinilala na ng Philippine Air Forces ang mga namatay na sundalong lulan ng bumagsak na U1H helicopter kahapon sa Tanay, Rizal.

Ito ay sina Captain Christian Paul Litan, ang pilot-in-command na taga-Mataas na Kahoy sa Batangas at dalawang crew na sina Philippine Airforce Sgt. Byron Tolosa, taga-Pasay at Gunner Airman First Class Joseph De Leon na tubong Lingayen, Pangasinan.

Sugatan naman ang command pilot na si First Lt. Ceazar Rinas na mula General Trias, Cavite.

Una rito, nagsasagawa ng air to ground training at disaster rescue operations training ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Matapos naman ang aksidente kahapon, 11 chopper ng Philippine Air Force ang hindi muna papayagang lumipad.

DZXL558

Facebook Comments