Mga nasugatan sa pagsabog ng isang mall sa Cotabato, nadagdagan pa!

45

Cotabato City – Nadagdagan pa ang bilang ng mga sugatan sa nangyaring pagsabog sa harap ng isang mall sa Cotabato City.

Sa interview ng RMN Manila kay Police Regional Office 12 Spokesman Police Superintendent Aldrin Gonzales, sinabi nito na mula sa 32, tumaas na sa 34 ang naitalang nasugatan sa insidente.

Dalawa naman aniya ang kumpirmadong patay sa pagpapasabog.

Sa ngayon ay ini-imbestigahan na ng PNP ang lahat ng CCTV na nakapalibot sa mall para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa nasabing pagpapasabog.

Facebook Comments