Mga natitirang miyembro ng Maute group sa Marawi, patuloy na tinutugis – AFP

112

Manila, Philippines – Nagpapatuloy pa rin ang pagtugis ng militar sa natitirang mahigit 100 miyembro ng Maute group na nananatili sa apat na barangay sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – hindi na lalagpas sa 120 na Maute members ang nagtatago pa rin sa Marawi.

Bagamat hindi pa rin tiyak ni Arevalo kung kailan matatapos ang gulo sa Marawi, siniguro nito na malapit na itong matatapos.


Sa ngayon, isinasailalim pa rin sa clearing operations ang apat na apektadong barangay.

Facebook Comments