Mga naturukan ng unang dose ng Sputnik V, tiniyak na matuturukan ng ikalawang dose sa tamang oras

41

Tiniyak ni Testing Czar Sec. Vince Dizon na matuturukan ng ikalawang dose sa tamang oras ang mga naturukan ng unang dose ng Sputnik V.

Ayon kay Dizon, on-time darating ang ikalawang batch ng Sputnik V na nasa 485,000 doses sa ikalawa o ikatlong linggo ng Mayo.

Aniya, ibibigay ang second dose ng Sputnik V, 28 araw pagkatapos maturukan ng unang dose.


Puwede aniyang mabakunahan ng Sputnik V ang mga may edad 18 pataas pero prayoridad pa rin ang healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

Facebook Comments