Mga Negatibong Komento Sa Paglalaro Ni Kobe Paras Sa Isang Unibersidad Sa Amerika – Dinedma Lang

29

MANILA – Ipinagkibit balikat lamang ni Kobe Paras ang mga negatibong komento sa kanya para sa maikling minuto na ibinibigay sa kaniya sa paglalaro sa Creighton University sa NCAA sa US.Ayon sa 19-anyos – hindi niya tinignan sa negatibong paraan ang nasabing isyu at sa halip ay gumagawa na lamang ito ng paraan para maging positibo ito.Dagdag na nito na ang Creighton ay nasa ika-siyam na puwesto sa division 1 at desisyon ng coach kung sino ang nais na ipasok para maglaro.Naniniwala ang batang basketbolista na darating din ang panahon para ito ay tuluyang sumikat.

Facebook Comments