MGA NEGOSYANTE SA SAN JACINTO, SINANAY SA WASTONG PACKAGING AT LABELING

Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ng Packaging and Labeling Seminar para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Brgy. Awai, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa ulat, itinuro sa mga kalahok ang tamang packaging at labeling para masiguro ang kalidad ng produkto, mapataas ang marketability nito at matiyak ang pagsunod sa mga umiiral na regulasyon.

Kanilang sa mga kalahok ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at community-based enterprises.

Ayon sa DTI, mahalaga ang wastong presentasyon ng produkto para magkaroon ng mas maraming oportunidad sa negosyo.

Bahagi ito ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD na naglalayong mabigyan ang mga benepisyaryo ng mga praktikal na kasanayan sa pagpapaunlad ng negosyo at kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments