
Hinihikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga netizen na umiwas sa paggawa ng mga haka-haka at pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon kaugnay ng insidenteng kinasasangkutan ng dalawang college basketball players na napaulat na nasawi noong June 8, sa Aurora.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing malungkot na insidente ay hindi dapat maging topic ng online hate at debate sa social media.
Nananawagan din sya na respetuhin ang mga pamilya ng mga nasabing manlalaro at magtiwala sa nagpapatuloy na imbestigasyon para matukoy ang tunay na nangyari sa nasabing insidente.
Kung saan kasama na rito ang pagrekober sa mga CCTV footage mula sa lugar para makatulong sa pagbuo ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Dagdag pa nya, nakikipagugnayan na ang pulisya ang sa lahat ng concerned parties at sa iba pang nagiimbestigang ahensya kaugnay ng nasabing insidente.










